Mabuhay, Ito ang Nangungunang Webite ng Pagsusugal sa Asya: Hanapin ang Pinakamahusay na Mga Website sa Pagtaya sa Pagsusugal sa Pilipinas 2024
Ang Asya ang may pinakamalaking sugalan sa buong mundo. Hindi ito nakakasurpresa dahil ang 4.2 bilyong mga residente dito ay kumakatawan sa 60% ng buong populasyon sa mundo. Ang nakakasurpresa ay ang pagkakaiba ng merkado sa mga bansa dito.
Ang aming website Asiabet ay may komprehensibong gabayan at mga pahinang puno ng mahahalagang impormasyon tungkol sa topiko.
Pinakamahusay na Online Gambling Sites sa Pilipinas 2024
Mga wika
- +7
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursMga wika
- +4
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursMga wika
- +39
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursMga wika
- +31
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursMga wika
- +4
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursMga wika
- +2
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursMga wika
- +1
Average na Bilis ng Payout
0 – 24 HoursAng Pasugalang Merkado sa Asya
Ang Asya ay walang kaduda-dudang may pinakamalaking merkado ng pagsusgal dahil sa napakaling populasyon nito. Pero sa pagtatalakay ng legal na kita ng gobyerno mula sa sugal nitong nakaraan ay lalo itong naging mainit. Ito ay dahil ang lahat ng perang isinugal sa mga ilegal na lugar kung saan pwedeng tumaya ay hindi napabilang. Indi rin kasama ang Pachinko at Mahjong sa Japan, mga ilegal na laro ng Flush at gilid-kalsadang Andar Bahar sa India, Bpauk Daeng at ibang pang larong baraha sa Thailand at iba pang panlawakang ilegal na pagsusugal sa kontinente.
Sa nakalipas na mga taon, tanging lotto at karera ng kabayo lamang ang legal sa maraming bansa sa Asya at kaunti lamang ang mga casino. Maraming may gusto sa lotto dahil ito ay legal at alam nating ito’y walang dayaan sa pagbobola. Halimbawa, sa Australia, China, Hongkong, India, Japan, Korea, Malaysia, New Zealand, Pilipinas, Singapore, at Thailand ay mga miyembro ng Asia Pacific Lottery Association (APLA). Ang APLA ay isa sa limang panrehiyong asosasyon ng World Lottery Association (WLA) na siyang gumigiit sa pagpapanatili ng integridad at tapat na pagbobola. Ang website namin ay may detalyadong impormasyon tungkol sa Legal Asian Lotteries kung gusto mong magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol dito.
Ang karera ng kabayo ay isang uri ng legal na sugal sa buong mundo. Maging ang mga bansang Islam na tutol sa sugal ay pabor dito. Halimbawa, sa Iran ito ay tinatawag na “panghuhula” at hindi sugal o pagpupusta at kung ika’y nanghuhula lamang sa pamamagitan ng mga aprubadong channels ay masasabing legal ito. Ang Thailand ay nasyong Buddhismo kung saan ang sugal ay sikat pero hanggang ngayon wala pa ring mga casino doon. Pero meron doong karera ng kabayo. Alam nating ang karera sa Hong Kong ang may pinakamagaling at de-rasang mga kabayo at nagpapalabas ng ilan sa mga pinakamagaling karera. Sa maikling salita, ang pagpupusta sa karera ng kabayo ay legal at laganap sa halos lahat na bansa sa Asya.
Ang mga legal na casino ay lalong lumaki sa nakalipas na dekada at naging isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan na legal ng gobyerno. Ang pinakamalaking kasikatan nito ay nagsimula sa Macau. Ang nasyong ito’y nagging Malaya noong Disyembre 20 1999 pagkatapos itong sakupin ng Portugal sa loob ng 400 na taon at naging kilala bilang Macau Special Administrative Region (SAR) ng China. Kahit noong sakop ito ng Portugal ay mayroon nang mga casinos dito pero nang buksan ito sa merkado noong 2002, ang Macau ay naging pinakamalaking destinasyon ng sugal sa buong mundo.
Ang pagbabagong legal na ito ay nagdala sa Galaxy Entertainment Group sa merkado para mapaunlad ang Grand Waldo, President, Rio, StarWorld at Waldo Hotels. Ang Crown Limited ng Australia ay pumunta rin sa Macau at nagpatayo ng City of Dreams at dalawa pang karagdagang hotels. Kasunod nito’y ilang malaking korporasyon sa Las Vegas ang dumagsa sa Asya. Pinatayo ng Las Vegas Sands Corporation ang Venetian, Plaza at Sands. Ang MGM naman ay pinatayo ang MGM Grand Macau at ang Wynn ay nagpatayo ng kaparehong bersyon ng Wynn and Encore casinos.
Mabilis na umangat ang Macau bilang pinakamalaking destinasyon ng pasugalan. Ang packaged tours lamang nila’y umaabot sa 800,000 na bisita kada buwan. Hindi pa dito kasama ang galling Hong Kong na naglalakbay sa laot o yung mga sumasakay sa eroplano. Ang bansang ito na may 555,000 na populasyon ay may 27.7 bilyong patacas ($3.5 billion USD) na kita mula sa sugal sa loob lamang ng isang taon (Oktubre 2012).
Ang Singapore ay isa mga naunang bansang kumilala sa tagumpay ng Macau. Pagkatos ng mahabang debatehan ay nagpatayo sila ng dalawang casino noong 2010. Sa unang taon ay kumita ito ng humigit SGD $7.3 bilyon ($6 bilyon USD). Ang Goa naman sa Indiaay sikat sa kanilang mga casinos, ang Laos at Cambodia ay naging destinasyon rin sa mga Thai na tumatawid sa pagitan ng dalawang bansa para lamang sa legal na pagsusugal. Ang sunud-sunod na tagumpay na ito ang umudyok para mapaunlad pang lalo ang mga casino.
Halimbawa, may isang $4 bilyong dolyar na casino na nakaambang paunlarin sa isang lugar sa Manila Bay sa Pilipinas. Ang Universal at Caesar’s Entertainment galing US at South Korea’s Paradise Group ay nagpaplano ring magpatayo ng lugar-pasyalan sa isla ng Yeongjung. Isa itong espesyal na sonang pang ekonomiya malapit sa Incheon Airport (ICN) at ang mga casino na ito’y legal na pumupuntirya sa mga Kareanong bisita. Isang katulad na proyekto ang naroon sa Eastern Russia na pumupntirya naman sa mga Tsinong magsusugal. Ang Vietnam ay magbubukas rin ng kauna-unahan nitong resort casino kung saan magpapatayo ang Asian Coast Development galing Canada ng isang five-star MGM resort casino kaharap ang baybayin.
Talagang mabilis umuunlad ang merkado ng casino sa Asya. Ito rin ang nagbukas ng marami pang legal na isports na pwedeng pagpustahan sa mga bansa sa Asya. Ang India na kumikita ng malaking halaga sa di-legal na pustahan sa cricket ay magkakaroon na ng legal na lisensya sa online na pagpupusta sa isports sa Sikkim. Ang Singapore, China, at Japan ay mayroon ng pag-aaring online na pasugalan. Ang pag-unlad ay hindi pare-pareho sa bawat bansa pero ang aprubadong pagsusugal online ang pag-asa ng merkado sa Asya.
Kung magkakaroon ng pagkakataong gawing legal ang online na pagpupusta, amin itong ilathala sa mga pahina sa aming website. Kung tutuusin, marami pa ring mga bansa ang may matatanda nang batas na halos hindi pinapatupad samantala ang iba nama’y walang malinaw na polisiya sa online na pagsusugal. Ang aming layunin ay hindi ang pagbigay linaw sa mga nagbabagong batas sa mga bansa sa Asya kundi ang pagbigay impormasyon sa 4.2 bilyong mga residente kung paano magsugal online kung gusto nila. Ang aming website ay nagtatalakay tungkol sa paraan ng pagdeposito at mga perang gagamitin sa online na pagsusugal sa iba’t ibang websites. Nagtatalakay rin kami kung paano gamitin ang mga sites para hindi maharangan ng mga kompanya ng internet at iba pang estratehiya at kaalaman. Ang aming tanging layunin ay matulungang maunawaan at medaling maintindihan anf online na pasugalan sa Asya.